Golkar Party
Sunday, December 7, 2008
Biruin mo nakagawa kami nito?!
Pag-ika’y napagawi sa lansangan ng Jakarta, at mababanggit ang salitang Golkar, isang tao lang ang mamumutawi sa mga labi ng mga Indones at yan ay si Suharto, na di lang nag tatag ng partidong ito ngunit nagsilbi ring ama at modelo ng bawat miyembro nito.
Ang partido ay sumisimbulo sa kagustuhan ng mga Indones na magkaroon ng maayos at mapayapang bansa pagkatapos ng pagkakalaya nila mula sa kamay ng mapang-abusong Sukarno.
Kung ikukumpara si Suharto kay Sukarno, masasabing mas naging matiwasay ang pamumuhay ng bawat mamamayan, bumaba ang pagdepende ng bansa sa mga tulong mula sa mga bansang USSR at US at nabawasan ang mga seperatistang nais makapagsarili at magtayo ng hiwalay na bansa. Di gaya ng panahon ni Sukarno na dumaan sa matinding depresyon ang bansa at naitala pa sa panahon niya ang isa sa pinaka malala at madugong pagpatay sa libo-libong miletanteng kontra sa kanyang pamamalakad, at ang pagsandal sa mga bansa gaya ng US at USSR.
Itinatag ang Golkar di lamang upang mapaglingkuran ang mga Indones ngunit pati na rin ang magsilbing boses at gabay nito sa gobyerno. Ang grupo ang naging hulmahan ng mga lider na nagsilbi di lamang sa kanilang sarili ngunit higit sa lahat ay nagsilbi sa bawat mamamayan na kanilang nasasakupan.
Ang Golkar ay maikukumpara natin sa isang makina ng kotse, na di tatakbo kung wala ang taong bayan, na nagsilbing gas na sumuporta at naging drving force ng partido at si Suharto, na nagsilbing tagamaneho at taga-manipula nito na ginamit ito upang magpatuloy ang partido na nag silbi naman ay maging instrumento sa pagkakaroon ng matibay na republika ng Indonesia.
Sa pagkawala ng pundasyon na si Suharto, ay humina rin ang puwersa ng Golkar sa gobyerno ng Indonesia. Kaya atin ring masasabi na ang partido ay naging tanyag di lang dahil sa mga prinsipyo nitong “Pancasila” na kumakatawan sa limang haligi ng partidong—maniwala sa iisang Diyos, pagiging makatao, pagiging nasyonalismo, hustisyang panlipunan, at kalayaan; ngunit dahil na rin kay Suharto na di lang nagsilbing pundasyon ngunit naging ama rin ng partido.
Datapwat, mahina ang kapit ng partido sa kasalukuyang gobyerno, malakas pa rin ang inpluwensiya nito di lamang sa paggawa ng mga polisiya ngunit pati na rin sa kulturang pampulitika ng bansa, sila ang nagsimula sa pagreporma sa lumang pamamalakad na nagsilbing bangungot sa bawat mamayan nito.
Masasabi man natin na may pagkakahawig ang mga prinsipyo ni Sukarno sa mga prinsipyo ng partido ni Suharto, di nating maiaalis ang katotohanan na pang-mamamayan ang mga prinsipyo na binuo ng partidong Golkar.
Nagmula man sa pansariling interes ngunit interes ng bawat mamayan ang namayani, interes na tumatak at humubog sa kasaysayan ng Indonesia.
Bawat partido ay may kanya-kanyang panahon, kanya-kanyang pagkakataon, may pagbaksak, may pagbangon, ngunit sa lahat ng mga ito, ang golkar kailanman, bumagsak man, o bumangon, di na maiaalis sa bawat puso ng bawat Indones, ang iniwan nitong pamana.
Dahil sa tubig…
Sa lupa…
At himpapawid ng Indonesia…
may nag-iisang
Golkar…”
--from Dyosa = )
“Hay salamat natapos na rin ang pagpiga sa aming mga utak upang makagawa ng isang obra na sumasalamin sa mga katauhan ni anze, bheng, mace at jess sa tulong ng isang kaibigan na si Fusi…”
Monday, January 05, 2009 4:05:00 AM
your post is so interesting, serious yet funny, Im an indonesian based here in the Philippines, you gave a positive impresion about golkar, but did you consult any indonesian like me especially our grandparents who really know about the reality of golkar or youhad just consult the net?
it so bias for the golkar...